Sunday, December 21, 2014

4 Kinds of Money Managers







I classify Money Managers into four. To introduce the first money manager, let me share with you a '70s hit song popularized by Gloria Gaynor:









At first I was afraid, I was petrified
Kept thinkin' I could never live
without you by my side;
But then i spend so many nights
Thinkin' how you did me wrong
And I grew stong
and I learned how to get along...


Go on now, go walk out the door
Just turn around now
'Cause you're not welcome anymore
Weren't you the one who tried
to hurt me with goodbye
Did you think I'd crumble
Did you think' I'd lay down and die?
Oh no, not. I will survive...

1. Survivor - a person whose income level is equal to his/her expense level. The battlecry of a Survivoris "I will survive." Ang paniniwala nya ay "We should live within our means". This person earns and spend his money, and then earn again.



Tanong:
Do you believe that we should live within our means?


My answer is, "No." Ang Survivor ay ang taong may P12,000 na sweldo at may P12,000 din na gastos monthly.  May problema ba yan? Wala pa naman, magkakaproblema pa lang!

Example:
January P12,000 sweldo, P12,000 gastos
                        May problema? Wala.
February:         P12,000 sweldo, P12,000 gastos
                        May problema? Wala.
March: P12,000 sweldo, P12,000 gastos
                        May problema? Wala.
April: P12,000 sweldo, P12,000 gastos
                        Nasira ang electric fan nya.
                        May problema? Meron na!

Saan sya kukuha ng pambili o pampagawa ng electric fan, eh sanay na sanay na syang gumastos ng P12,000 a month? Ang pinakamadaling paraan ay mangutang. At dito na magsisimula ang isang masamang bisyo.

Una, uutang sa magulang. Pag galit na ang magulang, uutang sa kapatid. Pag galit na ang kapatid, uutang sa kamag-anak. Pag galit na ang kamag-anak, uutang sa ka-opisina. Pag ayaw nang magpautang ng ka-opisina, uutang sa gobyerno (SSS, Pag-ibig, etc.). Pag ayaw nang magpautang ng gobyerno, uutang sa lending institutions o credit card. Pag hindi na rin pwede sa credit card, pati bumbay "5-6" pinapatulan. Saan nag-ugat ang lahat ng ito? You lived within your means. Mas maganda...


"We should live below our means."

Para kung dumating man ang anumang emergency o pangangailangan, mayroon tayong dudukutin.

Tanong: "Survivor" ka ba?



2. Pretender - A person who would like to believe that his/her earnings would be able to cover his over-spending habits,. BUT SOON ENDS UP IN DEBT!


To understand a Pretender better, i would like to share this song made popular by The Platters:

Oh-oh yes, I'm the great Pretender
Pretending that I'm doing well
My need is such I pretend too much
I'm lonely but no one can tell...

Ang Pretender ay "Pretending that I'm doing well". Akala nila maganda ang buhay nila, ang problema, akala lang nila yon!

Ang Pretender ay naniniwala na "My need is such I pretend to much." Kailangan nya ng sapatos pero hindi Nike. Kailangan nya ng cellphone, pero hindi iPhone. Kailangan nya ng kape, pero hindi Starbucks.

Ang Pretender ay, "lonely but no one can tell." Ito ang taong mukhang mayaman, amoy mayaman, lakad mayaman, at parang laging masaya at parang walang problema. Kaya lang, kapag nag-iisa na sya,"I'm lonely but no one can tell.." Bakit? Sa dami ng utang!

What is the cycle of a Pretender? He earns, he will not spend. He will over spend. At dahil nag-overspend na sya, anong gagawin? He will borrow money.

"We lived in a house that we could not afford, We drove a car that we could not afford, We send our kids to schools that we could not afford. At marami pang iba that we could not afford."

Tanong: Pretender ka ba?



3. Seeker - A person who has excess money but doesn't know where to invest his/her money properly.


This person earns money, pay all his bills obligations and meet all his needs, but still has excess money. Normally, ito ang bagong empleyado, may sweldo, walang asawa at nakikitira pa sa magulang, kaya maraming sobra. He earns, he spends, then may surplus kasi wala pang maraming gastos. Wala pa siyang maraming responsibilidad kaya may sobra. Ang gagawin nya, maghahanap sya ng investment. O maghahanap sya ng pagkakagastusan, na ang akala nya ay investment. At kakantahin nya ang kanyang favorite song that goes like this...

(Sabi ni Kuh Ledesma)
Dito ba? Dito ba?, Dito ba?... O, Dito ba? Ang dapat
kong paglagyan ng pera kong hiram sa ilalim ng araw?
Pwede ring..
SM ba? Glorietta ba? Trinoma ba? O, Rustans ba? Ang dapat
kong paglagyan ng pera kong hiram sa ilalim ng araw?
Pwede ring..
Alak ba? Yosi ba? Gadget ba? O, Babae ba? Ang dapat
kong paglagyan ng pera kong hiram sa ilalim ng araw?

Sabi ng isang kong kaibigan " Noong binata pa ako, ang dami kong pera, pero kung saan-saan ko lang dinala dahil hindi ko alam kung saan dapat dalhin. Ngayong may asawa na ako, ang dami kong gastos at kulang ang aking sweldo. Kung nag-invest sana ako noon, wala sana akong problema sa pera ngayon at malamang mababawasan ang away namin ng asawa ko" Sana, sana, sana...

Ikaw kapatid, habang binabasa mo ito, marami ka rin bang perang sinayang noon o marami ka pa ding perang sinasayang hanggang ngayon? 

Tanong: Seeker ka ba?



4. Unleasher - A person whose mission is to UNLEASH the highest potential of his/her money thereby paving the way for a life of success, happiness and significance!


Ang pang -apat na money manager ay ang taong kapag kumita ng pera ay magse-save, mag-iinvest at pagkatapos ay tsaka pa lang gagastos. Ito ang pinakamagandang paraan ng paghawak ng pera.

One of my greatest vision is to educate and to encourage Filipinos, na may pag-asa pa sa Pilipinas. Isa sa mga vision ko darating yung araw na...

1. Ang Pilipino ang magiging isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo.

2. Wala ng nanay na mag-a-abroad para mag-alaga ng anak ng ibang lahi. Ang aalagaan niya ay ang kanyang totoong anak.

3. Wala ng tatay na mag-a-abroad para kumita ng kaunting dolyar sa abroad. Dito na lang sya sa Pinas magta-trabaho.

Para mangyari ito, dapat matutunan ng mga Pilipino kung paano ang tamang paghawak ng pera at paano magsimula ng negosyo. Sa awa at tulong ng Diyos, ang bawat Pilipino ay may pag-asa ring makaahon sa kahirapan.

Now, I'm living in a whole new world. At my young age, I am able to help so many people get out of debt and stay out of debt. Nagtuturo ako sa maraming tao kung paano nila mapapaganda ang kanilang kinabukasan. Binigyan din ako ng Diyos ng pagkakataon na makatulong sa maraming tao base sa aking nalalaman.

Habang binabasa mo itong blog na ito, i hope someday ikaw naman ang tutulong sa iba para mas maraming Pilipino ang gumaan ang buhay. Alam mo kapatid, ang sarap ng pakiramdam na tumulong sa kapwa, at mas masarap sa pakiramdam na isang araw ikaw na ang tumutulong sa iba.

Para maging isang Unleasher - you earn; pagkatapos, hindi spend, but save, invest, and after you invest ay saka ka pa lang gagastos. If you practice this principle, ang tawag sa iyo ay hindi na Survivor, hindi na na Pretender, at hindi na rin Seeker. Ang tawag sayo ay Unlesher!

Ano ba ang Unleasher? An Unleasher is a person whose mission is to UNLEASH the highest potential of his/her money thereby paving the way for a life of success, happiness and significance.

Gusto ng Diyos na maging financially successful tayo. Hindi lang yun, dahil gusto ng Diyos ay palagi tayong masaya. Alam mo ba na maraming tao na maraming pera, pero hindi din naman sila masaya? Marami ding tao na maraming pera, masaya, pero hindi naman makabuluhan ang buhay nila sa iba. Alam mo ba kapatid na napakasarap magkaroon ng makabuluhang buhay? Ibig kong sabihin, nakakatulong tayo sa iba! Pangarap ko na dumating tayong lahat sa puntong successful, happy at makabuluhan ang buhay natin. Yung hindi lang ang sarili ang iniisip natin. Yung tipong makatulong tayo sa kapwa Pilipino na umunlad ang buhay para sa ating bayan.






Bakit hindi ako Mayaman?? Masipag at Matiyaga naman ako???

1. You’re Not Your Own Boss (Hind ikaw ang Boss o May-ari ng Negosyo)
Although there’s no guarantee that self-employment will earn you a million pesos, it’s really unlikely that working for someone else will get you there either. There are very few jobs that pay million peso salaries.
Don’t quit your day job tomorrow to launch a business, however. Instead, consider keeping your day job while you start a business on the side. You’ll have the security of your current salary along with an opportunity to create a business where you can earn extra cash.

2. You Avoid Taking Risks (ayaw mo Manganib yung Pera mo)
People don’t become millionaires without taking any risks. Taking a risk doesn’t mean you need to invest all your money into a single investment or that you need to gamble earnings foolishly.
However, taking calculated risks is often part of good money management. No one gets rich on the interest they earn from the bank. Instead, millionaires know how to invest their money wisely.

3. You Never Act on Your Good Ideas (nakaisip ka nga ng magandang Ideya, di mo naman Ginagawa)
It’s one thing to come up with million dollar ideas, but a completely different thing to act on them. If you are more a dreamer who never puts his money where his mouth is, you’ll never get rich. Millionaires don’t sit around and watch others advance in life. They take action to help them reach their goals.

4. You Don’t Manage Your Money Wisely (Nagkapera ka nga, Naubos lang sa wala)
The average person has the potential to become a millionaire in today’s world. Sound investments, a solid budget, and clear goals can mean that a person who earns an average salary can become a millionaire by retirement.
If you don’t manage your money wisely now, however, it’s unlikely that you’ll be able to handle a million dollars with good sense. Establish a budget and create goals for yourself to help you save money now.

5. You Don’t Set Clear Goals for Yourself (wala kang malinaw na Plano para sa Sarili mo)
People who don’t have clear goals aren’t going to make smart money decisions. You need goals to help you save money and invest wisely.
Create goals, such as getting out of debt or saving up for a vacation home. Creating goals will help you determine whether or not you should spend your money on other things that come up in the meantime. If you’re saving with a specific goal in mind, it’s much easier to say no to tempting opportunities to spend money.

6. You Don’t Put in Enough Time, Effort, and Energy
No one makes a million dollars by watching TV or sleeping 12 hours a night. Unless you’re lucky enough to win the lottery or inherit a windfall, becoming a millionaire takes hard work.
Millionaires consider the time and energy they put into a project to be an investment. They understand they won’t get immediate results but are willing to put in the hard work it takes to see the fruits of their labor. Learn how to manage your time wisely so you can become more productive with your efforts.

7.  You Aren’t Networking with the Right People (sumama ka sa mga Kumikitang Tao)
You won’t become successful in life if you spend time with lazy people who aren’t interested in managing their money wisely. However, if you surround yourself with energetic, successful people, it will rub off on you.
Develop relationships with successful people in your community. Look for people who can mentor you in your efforts to manage your finances, invest wisely, or build a business. Spending time with others who share your goals can help fuel your passion and efforts to become a successful millionaire.



Malinaw na sinabi sa Bible Verse na Plano ni God na Pagyamanin tayo, sa kahit ano mang bagay dito sa mundo, materyal man o Espiritwal. Alam ko may Pangarap ka din kapatid, Gusto mo din makuha Pangarap mo di lang para sa Sarili mo, kundi para din sa Pamilya mo o para din makatulong sa kahit sinoman ang gusto mong tulungan. 

"It's true that money is not the most important thing in life, but money does affect everything that is important to life."

May papa REALIZE lang ako sayo Kapatid baka maka RELATE ka dito :

"OKAY LANG WALANG PERA, BASTA MASAYA!"

Pamilyar ka ba sa katagang ito? Well honestly, madalas ko din itong banggitin dati.
Pero unti-unti kong natutuklasan na HINDI pala ito totoo.
Ito ay pagpapanggap lang o pagkukumbinsi sa ating sarili na Masaya tayo kahit walang pera.
Pero pag humarap ka na ulit sa totoong buhay mo. Hindi pwedeng hindi ka gagamit ng pera!
YAN ANG TOTOO!
Bakit?

➜Pano ka papasok sa eskwelahan araw-araw kung wala kang___.
➜Makakapag apply ka ba sa trabaho kung wala kang___.
➜Makakabili ka ba ng ulam kung wala kang___.
➜Makakapag date ba kayo ng gf/bf mo kung wala kang___.
➜Mabibili mo ba ang diaper at gatas ng anak mo kung wala kang___.
➜Makakabayad ka ba ng tuition ng anak mo o pambaon baon kung wala kang___.
➜Makakabayad ka ba sa Kuryente, Tubig, Upa sa bahay kung wala kang___.
➜Mabibili mo ba kahit "CANDY" sa anak mo kung wala kang___.
➜Mabubuhay mo ba ang pamilya mo kung wala kang___.

Babalik ko sayo yung tanong. "MASAYA BA?" AMININ mo man o Hindi.

Kailangan ng tao ang #‎PERA para mabuhay at makabuhay ng ibang tao!

Masyado lang tayo nai-ILANG kapag ang pinag-uusapan ay pera. Wala naman masama sa PERA. DEPENDE yan kung sino ang may hawak. Kung #‎SAKIM ang may hawak ng pera. Nagiging #SAKIM ang pera.

Pero kung Mapagkawang gawa ang may hawak ng pera. Asahan mo, magiging mapagkawang gawa din ang pera.

May #FRONTROW pa kapatid para makatulong sa pinagdadaanan mo, wag kang ‎choosy opportunity na ang lumalapit sayo!

"The ultimate purpose of wealth is to help others."

#‎realtalk

Join my Innovative and strategic team NOW!

Mga Strategies na Ituturo ko sayo kapag nag Join ka sa TEAM ko:

Magiging Productive ka kahit:

1. Mahiyain ka.
2. Walang Alam sa Negosyo.
3. Partimer ka lang.

kung kagaya mo ako na gusto din makuha ang Pangarap at makatulong sa IBA,

 text me now: 09498389883 09267698259

Investing o Pamumuhunan

Ayaw ng Diyos na tayo'y maging mahirap. Ngunit ano pa ang mga paraan o mga susi tungo sa kasaganaan? Investing o Pamumuhunan - ang paglalagay ng ating mga biyaya, mga ari-arian sa isang bagay na maari nitong ikalago dahil sa tubo.


The Parable of the Talents
Basahin natin ang sabi sa Mateo 25:14-30
Ang paghahari ng Diyos ay maitutupad dito:



"May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan: Binigyan niya ang isa ng P5,000, ang isa nama'y P2,000 at ang isa pa'y P1,000. Pagkatapos, siya'y umalis.

"Humayo agad ang tumanggap ng P5,000 at ipinangalakal iyon. At nagtubo siya ng P5,000. Gayon din naman ang tumanggap ng P2,000 ay nagtubo ng P2,000. Ngunit, ang tumanggap ng P1,000 ay humukay sa lupa, at itinago ang salapi ng kanyang panginoon.

"Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping iyon, at pinapagsulit sila. Lumapit ang tumanggap ng P5,000. Wika niya, 'Panginoon, heto po ang P5,000 na bigay ninyo sa akin. Heto pa po ang P5,000 na tinubo ko. Sinabi sa kanya ng panginoon, Magaling, tapat at mabuting alipin! Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!

"Lumapit din ang tumanggap ng P2,000 at ang sabi,'Panginoon, heto po ang binigay ninyong P2,000. Heto naman po ang P2,000 na tinubo ko! Sinabi ng kanyang panginoon, Magaling, tapat at mabuting alipin! Naging tapat ka sa kaunting halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!

"At lumapit naman ang tumanggap ng P1,000. Alam ko pong kayo'y mahigpit, aniya. Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani sa hindi ninyo hinasikan. Natakot po ako, kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salapi. Heto na po ang P1,000 ninyo. 'Masama at tamad na alipin! tugon ng kanyang panginoon. Alam mo palang gumagapas ako sa hindi ko tinamnan, at nag-aani sa hindi ko hinasikan! Bakit hindi mo iyan inilagak sa bangko, di sana'y may nakuha akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang P1,000 at ibigay sa may P10,000. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana: ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin."



Ano ang gagawin mo sa P130,000?

Ano ang talents? It is an amount of money that was given to each other of the servants. Sa isang alipin ibinigay ang limang talents, sa pangalawa ay two talents, at ang panghuli ay one talent. Yung isang alipin ay binigyan ng P130,000, yung isa P52,000, at yung huli ay binigyan ng P26,000.

Ano ang gagawin n'yo kung meron nagbigay sa inyo ng P130,000? Magtanong ka rin sa mga kakilala mo. Kahit man lang sa guni-guni ay mag-enjoy ka!

Ang talinghaga o parable na ito ay paglalarawan upang mas madaling maunawaan ang isang malalim na katuruan. The Lord gives capital to each one of us. Lahat tayo ay inaaring nilikha at alipin ng Diyos. Lahat tayo ay pinagbibilinan at binibigyan ng puhunan o ng mga talents. Ito ay maaaring materyal tulad ng pera o kayamanang pinansyal; pisikal tulad ng mga lupain o ibang bagay na maaaring kalakalin; at ang panghuli ay sosyal tulad ng pagkakaroon ng maraming kakilala na maaaring maging paraan upang bumukas ang pinto ng kasaganaan.

Meron din namang ibang klaseng talents na ibinibigay sa atin ang Diyos. Nandyan din yung literal na ibig sabihin ng talent - kakayahan, karunungan at imahinasyon.



Ang mga Pinoy nga naman!

Tayong mga Pilipino, kadalasan, mahilig gumasta at hindi mahilig mamuhunan. Subukan ninyong tanungin ang isang tao, "Kung magkakaroon ka ng isang milyon, anong gagawin mo?" Ang isasagot nyan, "Ahmmm.. bibili ako ng bahay at lupa." Bibili agad! Lagnat na lagnat tayo dyan sa bahay at lupa. Kaya ang mangyayari, kapag nakapag-abroad o nagkaroon ng pagkakataong kumita, ibibili agad ng bahay at lupa. Mabuti naman iyon kasi gusto nating bigyan agad ng masisilungan ang ating mga mahal sa buhay. Pero kapag hindi nasustentuhan ang daloy ng pasok ng pananalapi, mamaya nakasanla na rin yung bahay at lupa.

Napapansin nyo ba ang mga Intsik sa ating bansa? Dalawang henerasyon ang nakalipas, mahihirap lang din sila, halimbawa nagkaroon ng singkwenta pesos, hindi nila gagastusin yun nang kung saan-saan. Bibili yan ng kawali na tig-kikinse pesos at gas stove na tig-sasampung piso. Pagkatapos bibili yan ng konting saba, gagawing banana-cue, ititinda sa sulok-sulok at mamaya yung singkwenta nila at magiging sisenta pesos na. Mamaya magiging otsenta pesos na at mamaya tayo na ang katulong nyan.

May kilala ako dating magbobote at tindero ng taho, Pero ngayon sila na ang nakatira sa mga Villages. Marunong kasi silang mamuhunan. Kahit may pera na sila, hindi agad sila bibili ng bahay at lupa. Ang gagawin nila, uupa sila ng isang maliit na tindahan, mangangalakal, titira sa isang gilid o sulok, at magtitiis. Naka-sando lang ang mga yan pero hindi natin alam, bayong-bayong pala ang pera. Halos 70% ng mga tao sa ating mga villages ay dating mga merchants; nagyamanan na sila ngayon. Marunong kase silang mamuhunan.

At ano naman ang masasabi natin sa mga kabataan ngayon? Bigyan nyo yan ng P1,000 at bibili agad ng tig P900 na maong. Hindi iisipin na, "Makabili nga ng mga panyo sa Divisoria at ibebenta ko para kumita." Kadalasan kase sa atin, ang ginagasta natin ay yung puhunan, hindi yung tubo. Halimbawa may tindahan, hindi umaasenso kase yung benta nagagastos na kung saan-saan. Hindi lang yung tubo ang ginasta, pati puhunan nadadamay. At kapag nawala na ang puhunan, paano na? Mamamasukan na tayo at magiging alipin ng marunong mamuhunan. Isa sa mga bisyo ng bansang ito ay ang paggasta. Dapat baguhin na ito.


  • The earlier you invest, the more money you will earn in the long run.
  • Time is gold and time is money.

"Remember, money is not everything. There are far more important things than money – love, friendship, health and faith in God. Have all of them and you would be happy a billion ways

Paano kung ipinanganak kang mahirap?

Hindi natin kasalanan kung ipinanganak tayong mahirap. Pero siguro may responsibilidad tayo kung hanggang sa kamatayan natin, mahirap pa din tayo. Meron na tayong kinalaman doon. Hindi tayo nakakapili ng magulang at sitwasyon na pinagpapanganakan sa atin, pero napipili naman natin kung paano siguro mamamatay. Nakakaawa yung taong ipinanganak na mahirap, nabuhay na mahirap at namatay ng mahirap. Kailangan naman makaahon tayo dyan. Ipinanganak tayo sa siksikan, sa mga estero at masisikip na lugar, lalaki tayo sa siksikan, pag namatay tayo pati nitso natin mga siksikan na naman! Kailan tayo luluwag?

Ang kayamanan ng planeta ay para sa lahat. Pero kailangan, marunong tayong pumuwesto. Halimbawa, paano tayo maambunan kapag umuulan kung palagi tayong nakasilong? Kailangan marunong tayong lumabas at sumahod ng mga biyaya ng Diyos. The Lord expects our talents to be invested. And the Lord expects that they earn profits. Ang pangangalakal ay isang nakapa-makadiyos na gawain pero marami sa atin ang nahihiya. Ang pangangalakal at ibig ng Diyos. The Lord expects profit from the caital that He gives us. Katulad nung binigyan ng limang talents, pagkatanggap, nagtrabaho siya agad, nagsumikap. Hindi sya yung "Saka na, next time na, magpahinga muna tayo."

Napakarami kong kilalang mga pamilya na ngayon ay talaga namang hindi kayang bilangin ng tatlong accountant ang yaman. Pero yang mga yan, ang aga-aga naggigisingan, nagta-trabaho hanggang gabi. Hindi yung medyo tumaas lang nang konti yung posisyon, ayaw nang maulingan ang kamay. Hindi tuloy lumalago ang kayamanan.


Busy ka ba?

Paano ba sinasayang ang bigay ng Diyos na pagkakataon at mga puhunan? We read this line in The Parable of the Talents: "The man who received the one talent went off, dug a hole in the ground, and hid his master's money." Iisa na nga lang binigay, wala pang nangyari. Sabi nga ng maraming executives, kung meron kayong gustong trabahong matapos, ibigay nyo doon sa busy at huwag doon sa hindi busy. Bakit hindi sya busy? Do you know that something is wrong with you if you are not busy? Bakit? Tingnan natin yung mga langgam. Marunong silang maging busy, marunong magtrabaho, nag-iingat, nag-iipon. Ang ibig ko sabihin, pag hindi ka busy, may problema sayo. The Bible says "Six days a week you shall work, and on the seventh day you shall rest." Kailangan busy ang tao.

Mga ginang, kung hindi kayo fully-employed at malalaki na ang mga anak ninyo, ano na ba ang gagawin ninyo ngayon? Hihintayin na lang ba ninyo na tumanda kayo? Kailangan, mangalakal, mag negosyo. Pati mga estudyante, dapat nangangalakal, nagnenegosyo. Ganyan ang umuunlad. We should be busy. Yung isa wala na ngang ibinigay sa kanya kundi isang talent, inilubog pa sa lupa. Ganun ang maraming tao, wala na ngang papel sa buhay, kapag pinakitaan mo ng isang magandang opportunity, nakrereklamo pa! Paano ka bibigyan ng mas malaking papel sa buhay? When there's a lot to be done, rise to the occasion. Sleep less, work more. Strecth your curtains, remember, stretch your tent.

When there is more to do, you just have to work more. Hindi mo sasabihing, "Ang dami ko nang ginagawa, kaya hindi ko na kayang gawin yan." Because, to whom much is given, much is required. And remember: To those that deliver more, more will be given.

Darating ang Diyos at magkakaroon ng accounting at auditing. Magkakaroon ng pagsusulit. Lahat ng ibinigay sa atin, itatanong kung ano ba ang ginawa natin. Binigyan tayo ng panahon, tapos sasabihin natin "Wala akong oras eh." Eh diba lahat naman ng tao pantay-pantay, may tig-24 hours a day, bakit merong maraming nagagawa at iyong iba ay wala? Pantay-pantay tayong binigyan ng 24 hours, wag mo sabihin na yung maraming nagagawa meron silang 28 hours a day. Nasa diskarte natin yan kung paano natin gagamitin ang oras.


Konting ginhawa lang naman...

The Lord wants us to have abundance. And then, of course, if you are poor, God does not want you to be poor: Get out of God-approved poverty. (Meron palang poverty na God-approved). Ganito yan, kapag tamad ka, o sige, papabayaan ka muna ng Diyos na maging mahirap.

Napakaraming mahirap na yumaman. At hindi naman natin kailangan maging mayaman na mayaman, yung tipong guminhawa lang ang buhay natin. Yun bang naiinip tayo, nakakapag bakasyon tayo sa Dubai!, yung mga ganun. Masarap kase yung maraming pera, dahil pag dumating yung mga kamag-anak nating mahirap, at least may maibibigay tayo. Napakasarap nung nakakapag bigay pero paano tayo makakapagbigay kung wala? Kaya hindi masama ang mag hangad ng yaman. At nang sa ganun, kung sinong gusto nating bigyan, mabibigyan natin.


Dapat maging business-minded tayo

Let's learn to invest. Make money, make welath. There's a lot of money being made in our country now. You could see the construction boom everywhere. Ang daming perang pumapasok sa bansa natin, mga investment na pumapasok. Kaya yung mga nagkakapera, gaganahang mamili pag ganyan. 

Hindi kaila na mga daguyan lang ang yumayaman sa ating bansa. Karamihan kase sa mga dayuhan na nandito sa Pinas, kaya sila yumayaman ay madidiskarte sila at masisipag. sa kanila tuloy napupunta ang yaman ng bayan. Walang natitira sa atin at nagiging mga dispatsadora, kutsero at mga labandera lang nila tayo. Samantalang tayo dapat ang nakapwesto. We've got to be more assertive economically. Ang mga Pilipino ay dapat maging business-minded.

Invest, brothers and sisters. The Lord expects productivity and profitability from prompt, sound and well-managed investments. Those that make much will be given more, those that make nothing will be punished with even more terrible nothing less. So let's be prosperous. Let's do much with much, let's do much with little. Do not just consume. Invest properly and invest well.


Mga Tamad, mag-ingat...

Ano naman ang parusa sa mga tamad? Doon sa mga hindi marunong mamuhunan? God said, "You wicked and lazy servant!" Alam nyo ba na ang matawag na tamad at batugan, isa yan sa pinakamalaking kapintasan? Maski ang Diyos, yung kanyang mga salita ay masasakit tuwing ibinabato sa mga tamad at mga ipokrito.

Napakarami kase sa ating pamilya ay tamad. Gustong-gusto ng Adidas, ayaw magtrabaho. Hiling ng hiling sa ate na katulong doon sa Hong Kong. Gasgas na gasgas na ang kamy ng ate kalilinis ng kotse ng mga intsik doon. Eto namang anak dito o kapatid sa Pinas, porma nang porma sa mall! May mga teen-agers na ang aarte at ang hahaba ng mga kuko, hindit tuloy makapag saing. Ang mga ina naman, domestic helper sa ibang bansa. Hindi naman sa nilalait natin ang mga domestic helpers, pero ilagay mo naman ang sarili mo sa tama. Maawa ka naman sa sa nanay mo, kapatid o kamag-anak na nagta-trabaho. Ikaw naman, porma ka nang porma dito, may mga paiba-iba pa ng kulay ng buhok. Hindi na naawa. Alam nyo ba ang ating mga domestic helpers, hindi kadalasan pinapagamit ng elevator ang mga yan? Hindi lang sinasabi sa atin para hindi tayo mag-alala. Kung nasa 30th o 27th floor ang amo nila, doon sila pinapatulog sa basement. Pag gising sa umaga, mag-aakyatan doon sa mga staircase na pang fire exit lang. May mga signs sa elevators, lalo na sa Hong Kong, na nagsasabing "Filipina maids and dogs are not allowed." Pagkatapos ang mga anak dito, namamayagpag, malling nang malling. Nakakakilabot ang mga arte!

Dapat tulungan natin sila, hindi gasta nang gasta. Hindi pa nga alam kung kailan ang dating ng remittance, nakapangako na sa Bumbay, nakapangako na kung kani-kanino yung kikitain ng mga taong nagpapaka-alipin kung saan-saan. Syempre pag uuwi dito, medyo may pabango, bago ang damit, ayaw ipahalatang nagdurusa, alangan namang ipahalata pa! Pero dapat nagmamalasakit tayo. Yang katamaran, kasalanan yan.Kung gusto ninyong magpakasasa, gusto ninyong pumorma gumawa kayo ng paraan, magtrabaho kayo. Magnegosyo kayo. Bumili kayo ng isang kahong Chocnut sa umaga, itinda ninyo sa school o sa trabaho. Sa hapon, may tubo ka na. Hindi yung puro gasta na lang yung iniisip.

Kaya dapat hindi tayo tamad. Anong sabi ng Diyos? "Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin." Akala siguro natin kinukunsinte ng Diyos ang mga tamad. Marami namang mga tamad, hindi naman talaga naitatapon. Pero ang kalagayan nila, ganun na rin. Nasa kadiliman, nagngangalit ang ngipin dahil hindi nila mabili ang gusto nilang bilhin. Wala silang ginawa kundi mainggit na lang sa meron at maghimutok. At yung iba, naghihimutok na nga, wala na ngang hanapbuhay, miserable na, nakuha pang mag bisyo! Aba Matinde! As if thier miseries were not yet enough, they would still add to it! Kung naibebenta lang ang kaluluwa, ibinenta na nila. Makakasira sa lipunan, nakakasira ng buhay, at syempre nakakasira sa sarili.

The master rebuked the lazy servant. At yung kaisa-isang talent na bigay sa kanya, binawi pa. Iisa na nga lang, nakumpis pa! Kapag hindi natin iningatan ang bigay ng Diyos, yang kapirasong yan, mawawala pa.


Tingin mo... Bakit MADAMING Mahirap Sa Pilipinas???
Ano sa tingin mo ang dahilan bakit madaming mahirap sa Pinas? Recently nag conduct ako ng Survey Question sa group of internet entrepreneurs. Tinanong ko sila kung ano sa tingin nila ang reasons bakit madami ang mahirap sa Pinas.
Eto yung ilan sa mga naging sagot nila:
"Walang ambisyon sa buhay kuntento na kung ano ang meron"
...Harold L.
"Takot mag invest para sa kinabukasan nila, nanjan na lahat ng opportunity... Wala nganganga lang! Ayaw sungaban dahil takot sa halagang mawawala sa kanila sakaling i-invest nila ito, Dun lang lagi naka focus ang isip nila, basta pag may ilalabas or i-invest ayaw na nila agad sungaban ang oppotunity. Hangang dun lang ang isip nila. Ayaw nila isipin ang success na kalalabasan nito. Inisip nila agad lugi na sila simula palang. Kaya ayun... Walang asenso sa buhay, mahirap pa rin ''kung baga TAKOT SA RISK'''
...Miraluna
"Kaya maraming naghihirap kc umaasa sa tulong galingsa government! At wala clng bukang bibig kng ndi "bahala na"or "mamaya na"
...Faith
"Wala silang sapat na kaalaman sa financial education, kaya majority ay dumedende sa ating gobyerno."
...Paolo
"Karamihan kasi sa ating mga Pinoy, komportable na sa buhay-mahirap. "Ganito lang talaga ako, dito lang talaga ako, ito na kapalaran ko, kaya tanggapin ko na mahirap lang talaga ako" or words to that effect.
Iba ang mindset kasi ng 90% of Pinoys. Pag sinabi mo sa kaibigan mo, "Gusto ko maging milyonaryo", usual reaction is "Ang taas naman ng pangarap mo kaibigan. Tanggapin mo na lang kung ano meron ka at matuto kang magpasalamat doon. Wag mo na pangarapin maging milyonaryo."
Believe me, most of the time eto sasabihin. Na para bagang isang napakalaking kasalanan kung may marami kang pera, na isa kang milyonaryo, o kahit mangarap ka man lang na maging milyonaryo. Kaya tayo di umaasenso.
Kung baguhin lang natin ating mga pag-iisip, na hindi masama magkaroon ng maraming pera, hindi masama ang umasenso, kasi magagamit natin yun to bless others and to give hope to those hopeless. Money is a blessing if we can bring heaven here on earth, so kahit anong mangyari, I WANT TO BE RICH!"
...Arlene
"Bakit mayaman ang Pilipinas, mahirap ang maraming Pilipino? Marami naman kasi ang taong tamad. Wala nang inisip kundi ubusin ang oras sa pagsasaya, sa pagtulog, sa pagpapahinga,sa pag iinom, sa pagtsitsimisan, sa pag lilibang pero walang ginagawa na productive effort. Proverbs 20:13 If you love sleep, you will end in poverty. Keep your eyes open, and there will be plenty to eat!"
...Ricky


Matthew 25:29"For every one who has will be given more, and he will have an abundance. Whoever does not have, even what he has will be taken from him"